-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 188 ang bilang ng mga biktima ng paputok noong Bisperas ng Bagong Taon dahilan para sumampa pa sa 534 ang kabuuang kaso ayon sa pinakabagong datos mula sa Department of Health (DOH).

Bagamat ayon sa ahensiya, nananatili pa rin itong mababa ng 9.8% kumpara noong Bisperas ng 2024 subalit posible din aniya na may humabol pa na late reports sa firecracker-related injuries.

Sa datos ng DOH, 356 sa mga biktima ay nasabugan ng paputok na nagtamo ng pagkasunog sa balat habang 28 katao naman ang sumailalim sa amputation o naputulan ng bahagi ng katawan. Maliban dito, isa pa sa mga natamong injury ng mga nasabugan ay eye injury.

Saad ng DOH nananatiling mga kabataan at menor de edad ang pangunahing mga biktima ng paputok.

Kayat muling paalala ng DOH sa publiko na sakali mang nagtamo ng sugat mula sa paputok kahit na maliit lamang komunsulta na sa ospital o doktor upang maiwasan ang Tetano.

Sa mga naiwang paputok sa kalsada, dapat basain at linisin gayundin huwag ng pulutin pa ang mga hindi pumutok na firecrackers upang iwas disgrasiya.