Umakyat pa sa 288 ang bilang ng mga natamaan ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.
Ito ang iniulat ni Health Sec. Francisco Duque III, batay sa monitoring ng kanilang ahensya mula noong Disyembre 21 hanggang Enero 2, 2020.
Nabatid na 124 ang nadagdag mula sa 164 na firecracker related injuries kahapon.
Nagmula ang record sa 61 pagamutan sa buong bansa.
Ang nasabing bilang ay mas mababa ng walong porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Maging sa five year average ay mas mababa ito ng 57 percent.
Lumalabas na Metro Manila pa rin ang may pinakamaraming kaso ng naputukan ng firecrackers at nasunog ng pailaw.
Pangunahing sanhi ng injuries ang mga sumusunod na uri ng paputok at pailaw:
kuwitis 63
fountain 32
luces 32
piccolo 17
triangulo 13