-- Advertisements --

Nanawagan nang pagdarasal ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) para sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.

Ayon kay CBCP president at Bishop Romulo Valles, sinabi nito na isasama niya na ipagdasal ang Archdiocese of Cotabato, Davao, Diocese ng Kidapawan, Digos, Tagum at Mati.

Dagdag pa ng Davao archbishop, mahalaga ang pagdarasal para gumabay sa mga tao sa panahon ng lindol.

Pinayuhan din nito ang mamamayan na maging alerto at maingat sa anumang posibleng kalamidad na darating sa bansa.