-- Advertisements --
P Domingo
Placido Domingo/ IG post

Nadagdagan pa ang mga babaeng nagreklamo ng sexual misconduct laban kay Spanish opera singer Placido Domingo.

Gaya ng mga naunang alegasyon ng mga nagreklamo, isinalaysay ng mga biktima ang kanilang naranasan.

Magugunitang inireklamo noong Agosto ng ilang dancers, singers, musicians , voice teachers at backstage staff ang opera singer dahil sa ginawa nitong panghahawak sa mga maseselang parte ng kanilang katawan.

Nangyari ang insidente tatlong dekada na ang nakakalipas.

Mariing pinabulaanan naman ng 78 na si Domingo ang nasabing insidente.