Bumababa man ang bilang ng mga batang ina na nanganganak mula noong 2016, lumabas naman sa survey ng Philippines Statistics Authority (PSA) na isa sa sampung ” live birth” sa bansa ay mula sa mga nagdadalaga na ina.
Tinukoy ng Philippines Statistics Authority (PSA) ang mga nagdadalaga na ina bilang mga batang babae na nasa pagitan ng 10 hanggang 19 taong gulang.
Inihayag naman ni Popcom Officer in Charge-Executive Director Lolito R. Tacardon na ngayong unti-unti nang bumalik ang normal activities, kailangang pa rin na bantayan ito ng kanilang kagawaran.
Aniya, dapat magkaroon ng access ang mga kabataan sa mga reproductive health services na sa tingin ay magpapatuloy, o higit pang nagpapabilis, sa pagbaba ng porsyento ng pagbubuntis ng kabataan.