-- Advertisements --

Umakyat na sa 175 katao ang nasawi matapos ang pananalasa ng Hurricane Helene sa ilang estado gaya sa Florida, North Carolina at Gerogia.

Inikot naman ni US President Joe Biden ang mga nasalanta ng bagyo sa North Carolina.

Habang si Vice President Kamala Harris ay nagtungo sa Georgia at binisita ang mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Itinuturing kasi ng ng mga eksperto na ito na ang pangalawa sa pinakamatinding bagyo na tumama sa kasaysayan ng US.

Pagtitiyak naman ni Biden na kanilang ibibigay ang lahat ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.