-- Advertisements --

Inaasahan na ni Los Angeles County Sheriff Robert Luna na tataas pa ang bilang ng mga nasasawi dahil sa mula sa wildfire.

Sa ngayon ay umaabot na sa 26 na ang nasawi kung saan marami pa rin sa kanilang listahan ang hindi pa nakikita matapos ang mahigit isang linggong wildfire.

Dagdag pa nito na nasa pangatlong araw na ang mga otoridad pinapasok ang mga kabahayang naapula na ang sunog para tignan kung mayroon pa ng mga bangkay.

Humingi rin ito ng pang-unawa sa mga residente na mag-tiis muna na huwag bumalik sa lugar dahil sa pangamba ng malakas na paghangin.

Bumaba na rin ang bilang ng mga nasa evacuation order na mula sa dating mahigit 100,000 ay nasa 92,000 na lamang ito ngayon.