-- Advertisements --
Umaabot na sa 94 ang nararanasang aftershocks mula sa 5.9 magnitude na lindol sa Sultan Kudarat.
Matatandaang naramdaman ang naturang main quake kahapon, pasado alas-12:00 ng hatinggabi.
Ayon sa ulat ng Phivolcs, sa halos 100 pagyanig, nasa 26 dito ang plotted o na-detect ng dalawa o higit pang monitoring device ng ahensya.
Habang 11 naman ang actual na naramdaman ng mga residente.
Ang magnitude range nito ay mula sa 1.6 hanggang 5.4 magnitude, batay sa pagsukat ng Phivolcs.
Inaasahang madaragdagan pa ang aftershocks mula sa nasabing lindol.