-- Advertisements --
Pumapalo na sa 765 ang naitalang aftershocks sa nangyaring 7.4 magnitude na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur.
Sa nasabing bilang, 157 ang plotted o na-detect ng dalawa o higit pang pasilidad ng Phivolcs.
Mayroong pitong naramdaman sa mga pagyanig na nabanggit.
Naglalaro ang lakas nito sa pagitan ng 1.4 hanggang 6.2 magnitude.
Na-monitor ang karamihang pagyanig sa pamamagitan ng Phivolcs Bislig City Station.