-- Advertisements --
oil spill 4

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga indibidwal na naaapektohan ng oil spill sa Oriental Mindoro ay ngayon nga ay umabot na ito sa 190,000.

Ayon sa pinakabagong datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center noong Abril 23, nasa kabuoang bilang na 40,897 and pamilyang apektado.

Nasa 207 naman ang apektadong barangay na nasasakopan ng Calabarzon, MIMAROPA at ibang parte ng Western Visayas.

Bilang tugon dito ay patuloy parin ang pagbibigay ng tulong ng DSWD at pamamahagi ng family food packs maging ang cash for work program.

Kung matatandaan nga ay ayon sa ahensya nasa P262-million na ang halaga ng naipamahaging tulong sa mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.