-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Dumoble pa ang bilang ng mga residenteng inilikas kasunod ng pagsabog ng Bulkang Bulusan.

Batay sa tala ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol, umakyat na sa 118 pamilya o 406 indibidwal ang nananatili sa evacuation centers habang 3, 280 pamilya o 16, 400 ang kabuuang bilang ng mga residenteng naapektuhan ng bagsak ng abo.

Dahil dito, nagdagdag pa ng evacuation center sa Juban, Sorsogon.

Binuksan na rin ang Juban Gymnasium sa Brgy. North Poblacion para sa pag-accomodate ng mga ito.

Tiniyak naman ni Juban MDRRMO head Arvee Lodronio na may mga evacuation centers pa silang itinalagang magamit sakaling patuloy na tumaas ang bilang ng ililikas.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang dating tulong sa mga apektado.

Sa ngayon, nasa P17.33 million na ang cost of assistance na naipamahagi sa mga apektado mula sa DSWD, LGU at DOH.