-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga kanseladong flight dahil sa epekto ng bagyong Aghon.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), mula sa inisyal na mga kinansela kahapon na patungong Surigao, meron na ring ipinagpalibang byahe sa iba pang mga lugar.

Kabilang sa mga nakansela ang 12 flights ng iba’t-ibang airline companies.

Kasama na rito ang Manila to Naga, Manila to Siargao, Manila to Tacloban, Manila to Calbayog at Manila to Catanduanes.

Posibleng madagdagan pa ang naturang bilang habang papalapit ang sentro ng bagyo sa kalupaan ng Bicol Region.