-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy na nadaragdagan ang bilang nga mga casualties Western Visayas na mga nasawi kasunod ng pananalasa ng bagyong Odette sa southern at central portions ng bansa.

Base ito sa initial data na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa 14 na death toll, anim ang mula sa Western Visayas, apat sa Central Visayas, isa sa Eastern Visayas, isa sa Northern Mindanao, at isa sa Caraga.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Christian Nagaynay, focal person ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na in-charge sa mga recorded na patay at missing, sinabi nito na subject for verification pa ang naturang bilang.

May mino-monitor din na isa pang patay sa lalawigan ng Iloilo ngunit hindi pa opisyal na naitala sa mga casualties dahil hinihintay pa ang LGU at police blotter report.

Sa latest data ng Office of Civil Defense Region VI, 30,827 mga pamilya o kabuuang 112,620 na mga indibidwal ang narekord na naapektuhan ng bagyong Odette sa rehiyon.