-- Advertisements --

VIGAN CITY – Sumasailalim pa ngayon sa masusing beripikasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang napaulat na bilang ng mga nasawi sa malakas na 6.9-magnitude na lindol na tumama sa Mindanao nitong nakalipas na Linggo.

Una na kasing lumabas ang ulat na mayroon nang apat na casualties sa nasabing lindol, kabilang na ang isang anim na taong gulang nq batang babae sa Davao del Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal na mula kahapon ay marami na silang natatanggap na mga ulat hinggil sa mga nasawi at nasugatan sa trahedya.

Ngunit hinihintay pa aniya nila ang report ng kanilang mga local offices sa mga apektadong rehiyon kaya hindi pa sila makapagpalabas ng opisyal na datos hinggil dito.

Tiniyak naman ni Timbal na ngayong linggo rin ay ilalabas nila ang naturang updates kaugnay ng sakuna.

Patuloy naman ang paalala ng opisyal sa mga naapektuhang residente na mag-ingat lalo pa’t ayon sa Phivolcs ay inaasahang tatagal pa hanggang sa susumod na taon ang mga aftershocks.