-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Madadagdagan pa ang data sa mga nagpositibO sa coronavirus disease sa susunod na linggo matapos dumating ang automated extraction machine na gagamitin sa molecular laboratory sa Dr. Jorge Royeca Hospital.

Sinabi ni Dr Ryan Aplicador, chief of Hospital ng Dr. Jorge Royeca Hospital na idinugtong na ang extraction machine sa molecular laboratory.

Nagdaang buwan nang mag operate ang laboratoryo 35 test kada araw ang makaya nito subalit sinabi ni Aplicador tataas ito hanggang 200 – 300 test kada araw.

Ang molecular laboratory ang nabili ng LGU ng P15M na walang tulong mula sa ibang ahensiya. Nuon kasi ang mga spicemen mula sa lungsod ang dadalhin pa sa Southern Philippines Medical Center OSPMC sa Davao City.