-- Advertisements --
Pumapalo sa halos 5 million ang bilang ng deactivated voters na posibleng hindi makaboto sa 2025 midterm elections.
Base sa datos mula sa Commission on Elections, lumalabas na nasa kabuuang 4,903,415 botante ang na-deactivate noong Abril 15.
Inaasahan na tataas pa ang naturang bilang dahil nasa 98.82 pa lamang ng data ang naisumite ng Election Registration Board.
Paliwanag ng poll body na mayorya o nasa 4.90 milyong botante ang nadeactivate dahil sa kabiguang makaboto sa nakalipas na 2 halalan.
Ang iba naman ay nawalan ng filipino citizenship at dahil a court rulings.
Samantala, ayon naman kay Comelec chairman George Garcia, maaaring magsumite ang mga deactivate voter ng application para sa reactivation sa nagpapatuloy na voter registration.