-- Advertisements --
Malaking bilang umano ang ibinaba ng mga namamatay na drug suspek sa mga inilulunsad na police anti-drug operations dahil wala ng naglalakas loob para manlaban sa mga pulis.
Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. John Bulalacao, ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga fatalities ay dahil napagtanto na raw ng mga drug suspects na kung maglalaban aniya sila ay wala silang patutunguhan.
Sinabi ni Bulalacao na batay sa record ng Directorate for Operations, nasa 106 ang napatay sa anti-drug operations mula sa December 5, 2017 hanggang March 5, 2018.
Sa ngayon umabot na sa 4,237 ang sumuko habang nasa 10,878 naman ang naaresto.