BACOLOD CITY – Nadagdagan pa ang bilang ng pinatay na mga miyembro ng notoryos na Epogon Robbery Group na nag-ooperate sa Negros Occidental.
Ito ay matapos pinatay ang 19 anyos na si Allen sa San Isidro St., Barangay San Pedro, Binalbagan, Negros Occidental.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Police Major Fernando Somblingo, hepe ng Binalbagan Municipal Police Station, ipinahayag nito na may tumawag sa kanila upang magbigay ng impormasyon na may binaril- patay sa nasabing lugar.
Agad namang rumesponde ang mga pulis at sinubukan pang habulin ang mga salarin ngunit hindi na naabutan.
Ayon kay Somblingo, naglalakad palabas ng Bureau of Jail Management and Penology si Allen kasama ang kapatid nitong si Arman Rivera at kanilang ina at isang Barangay Kagawad ng ito ay binaril.
Nakuha sa crime scene ang pinahinalaang ford cartrigde ng calibre 45 pistol.
Narelease ang dalawa sa pagkabilanggo dahil na nakakuha ang mga ito ng plea bargaining matapos makulong dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa hepe, ipinahayag ng mga nakakita na nakasakay sa kulay gray na sasakyan ang mga suspect at bumaba ang dalawang sakay nito at ang isa sa kanila ang bumaril kay Allen.
Matapos nabaril ang biktima umalis ang mga suspect papuntang south na direksyon at lulan ng nasabing sasakyan.
Hindi pa matukoy ng mga police kung kasama din si Arman Rivera sa target ng mga suspect.
Maalala naaresto si Allan at Arman Rivera noong isang taon matapos makuhaan ng suspected shabu sa Barangay Tuguis, Hinigaran, Negros Occidental kasunod ng violation sa travel requirements dahil COVID-19 pandemic.
Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon ng Binalbagan Municipal Police Station upang malaman ang motibo sa pamamaril sa biktima at makikila ang mga salarin.