NAGA CITY – Pumalo na sa 186 ang bilang ng pamilyang inilikas mula sa ayan ng Lagonoy, Camarines Sur dahil sa banta ng bagyong Tisoy sa kabikolan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Nene Del Castilo, Municipal Disaster Risk Reduction Officer 3 ng Lagonoy, sinabi nitong on going pa rin ang isinasagawang pag-evacuate sa mga residenteng nakatira sa mga delikadong lugar.
Magpapatuloy umano ito hanggang bukas dahil may mangilan-ngilan pa ring pamilya ang ayaw pa ring umalis sa kanilang lugar.
Kaugnay nito, inabisuhan na rin aniya ang lahat ng Brgy. Officials na hikayating umalis na ang iba pang mga residente na nagmamatigas sa mga otoridad.
Maliban dito, tiniyak rin ni Del Castillo na nakapreposition na ang mga evacuation centers na gagamitin ng mga evacuees at wala umanong problema sa supply ng pagkain.
Mahigpit aniyang binabanatayan ngayon ang Brgy. Manamoc at Brgy. Sipaco dahil sa posibleng mga pagbaha dito.
Maliban dito, minomonitor din ang mga landslide prone areas katulad ng Brgy. San Sebastian , Kinahologan,Cabotonan, Ginorangan pati na rin ang mga nasa coastal areas.