-- Advertisements --

Patuloy na inaalalayan ng Coast Guard District Palawan (CGDPAL) ang mga lumilikas na pamilya sa Puerto Princesa City, Palawan dahil sa mga pag-ulang dala ng shear line mula pa noong nakaraang linggo.

Batay sa kanilang record, mayroon 108 na pamilya o katumba sng halos 500 indibidwal ang na-rescue mula sa pitong barangays ng nasabing lungsod.

Nabatid na tuloy-tuloy pa rin ang mga pag-ulan kaya maaaring madagdagan pa ang mga apektado ng baha.

Agad namang sinuri ng mga manggagamot ang mga inilikas at napag-alamang nasa maayos na kalusugan naman ang mga ito.

Narito ang listahan ng mga binabahang barangay ngayon sa syudad ng Puerto Princesa:

1. Barangay San Manuel;
2. Barangay San Pedro;
3. Barangay Bancao-Bancao;
4. Barangay San Jose;
5. Barangay Sicsican;
6. Barangay Irawan; 
7. Wescom Road.