Patuloy pang lumolobo ang bilang ng mga naitatalang firecrackers-related injuries ngayon ng Department of Health sa bansa tatlong araw bago ang pagpapalit ng taon.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng ahensya, sa nakalipa na 24 oras ay pumalo na sa 96 ang kabuuang bilang ng mga fireworks-related injuries ang kanilang naitatala sa buong bansa.
Karamihan sa mga kasong ito ay napaulat sa National Capital Region na nakapagtala ng 33 insidente, na sinundan naman ng Central Luzon at Ilocos na mayroong tig-12 kasong naitala.
Mula sa 96 na bilang ng mag fireworks-related injuries, 57 ang idinulot ng paggammit ng mga illegal firecrackers tulad ng boga, five star, piccolo, at pla-pla.
Ayon pa sa datos ng ahensya, 96% ng naturang mga insidente ay nangyari sa mga tahanan ng biktima, at maging sa mga kalye.
Samantala, kaugnay nito muli ring nagpapaalala ang DOH sa publiko hinggil sa mga masamang maidudulot ng paggamit ng paputok.