Trumiple sa nakalipas na dalawang buwan ang kaso ng hand, foot and mouth disease or HFMD, ayon sa Department of Health.
Nakapagtala ang DOH ng 7,598 kaso ng HFMD sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Pebrero 22.
Ang bilang ay tatlong beses na mas mataas kumpara sa 2,665 na kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sinabi ni Health Assistant Secretary Albert Domingo na ang mga kaso ng HFMD sa nakalipas na dalawang buwan ay mas mababa kumpara sa 2,500 na mga kaso na naitala noong 2023.
Ayon sa ahensya, 52 percent ng mga kaso ng HFMD ay nagmula sa Central Luzon, MIMAROPA, Metro Manila at Cordillera Autonomous Region.
Sinabi naman ni Health Secretary Ted Herbosa na mild lamang ang karamihan sa mga kaso ng HFMD.
Gayunpaman, pinaalalahanan ng opisyal ang mga nahawaan ng virus na agad na magpagamot sa pinakamalapit na health center.