Nakapagtala ng 55-year high na bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) na idineploy abroad.
Sa pinakabagong data mula sa Department of Migrant Workers (DMW), nag-deploy ang PH ng 2,330,720 land at sea-based migrant workers noong 2023, mas mataas ito kumpara sa unang naitala ng pamahalaan na 3,694 overseas contract workers noong 1969.
Mas mataas din ito kumpara sa 2,156,742 OFWs na idineploy bago tumama ang COVID-19 pandemic noong 2019.
Sa datos noong 2023, nasa mahigit 1.2 million OFWs ang na-rehire at mahigit 500,000 naman ang bagong na-hire na migrant workers.
Nasa 49.8% ng nadeploy na OFWs ay mga babae na nagtrabaho bilang domestic cleaners at helpers na katumbas ng 31.1% ng kabuuang bilang ng na-deploy noong nakalipas na taon.
Ang Saudi Arabia ang top destination na bansa para sa land-based migrant workers na mga Pilipino sinundan ng UAE, Singapore, Hong Kong Special Administrative Region at Qatar.