Domoble ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw dulot ng Omicron variant sa South Africa.
Umakyat sa 8,561 ang new cases mula 4,373 na kaso ng COVID-19 sa naturang bansa sa loob ng isang araw basi na rin sa official statistics.
Dahil dito, nagbabala si Dr Nicksy Gumede-Moeletsi, regional virologist for the World Health Organization na dapat paghandaan ang posibilidad na maaaring dodoble pa o maging triple ang kaso ng COVID-19 sa South Africa.
Kasalukuyang nagsasagawa ngayon ang mga laboratoryo sa South Africa at Botswana ng genomic sequencing upang pag-aralan ang Omicron cases.
Susuriin ng mga siyentipiko kung mas nakakahawa ang nasabing virus o kung ito ay umiiwas sa proteksyon mula sa pagbabakuna.
Inamin naman ng mga ito na nananatiling limitado pa rin ang kanilang data kaugnay sa Omicron variant.
Magugunitang as of November 28, nasa 56 na bansa na ang nagpatupad ng travel measures laban sa ilang bansa na meron nang mga report na pumasok ang Omicron virus.