Patuloy pa ring tumataas ang bilang ng mga pasyenteng nagkakaroon ng leptospirosis sa bansa dahil sa mga pagbahang dulot ng nagdaang bagyong Carina at Habagat.
Ayon sa Department of Health, pumalo na sa mahigit 500 na pasyente ang na admit sa kanilang mga ospital.
Aabot na rin sa 43 pasyente ang naiulat na nasawi dahil sa naturang sakit.
Mula sa naturang numero, 41 dito ay mga matatanda habang dalawang pasyente naman ay bata.
Karamihan sa mga naitatalang kaso ng leptospirosis ay mula sa Metro Manila.
Sa isang panayam sinabi ni Health Asec. Albert Domingo na ang kabuuang 523 na kaso ng leptospirosis ay naitala ng kanilang ahensya mula August 8 hanggang 13.
Tiniyak nman ng ahensya na sapat ang mga kama ng sa mga ospital sa Pilipinas na maaaring magamit ng mga pasyenteng may leptospirosis.