LEGAZPI CITY — Nananatiling naka-monitor ang Department of Health (DOH) Bicol dahil sa patuloy na paglobo ng mga tinatamaan ng tigdas sa rehiyon.
Sa inilabas na data ng ahensya, mula Enero 1 hanggang Marso 4 ng kasalukuyang taon, nasa 485 na ang measles cases sa anim na lalawigan sa Bicol.
Walo sa mga ito ang pinaniniwalaang namatay dahil sa komplikasyon ng sakit.
Ang lalawigan ng Camarines Sur pa rin ang may pinakamataas na bilang ng mga biktima na umakyat na sa 120, sinundan ng Albay na may 146 habang may 105 measles cases naman ang Sorsogon.
Maliban dito, umabot na rin sa 83 katao ang dinapuan ng tigdas sa Masbate, at 23 sa Camarines Norte.
Samantala, ang lalawigan ng Catanduanes na dalawang taong measles free ay nakapagtala ng pitong kaso na sa ngayon patuloy pang kinukumpirma.