VIGAN CITY – Madadagdagan pa umano ang bilang ng mga lugar na posibleng isailalim sa pangangasiwa ng Commission on Election (Comelec) o ang tinatawag na Comelec control habang papalapit ang kampanya sa local level.
Maliban pa dito, posible ring dumami pa ang mga lugar na idedeklarang “areas of concern†sa buong bansa, depende na rin sa validation na isasagawa ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay kasunod na rin ng pagdedeklara ng poll body sa buong rehiyon ng Mindanao at Abra; Jones, Isabela at Lope de Vega, Northern Samar bilang category red election hot spot para sa darating na halalan dahil sa mga election-related incidents sa mga nasabing lugar noong mga nagdaang halalan at sa mga seryosong banta mula sa mga ilang armadong grupo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, may impormasyong nakarating sa kanilang tanggapan na mayroon pang lugar sa bansa na maaaring isailalim sa kontrol ng Comelec, ngunit hindi na idinetalye pang maigi ang nasabing impormasyon.
Ipinaliwanag nito na ang pagsasailalim sa Comelec control ng isang lugar ay kinakailangang manggaling sa mga local election officer at mga law enforcement agency sa lugar na ipapasa at dedesisyunan ng Comelec en banc.
Idinagdag din nito na ang mga lugar na idedeklarang “areas of concern†ay ang mga areas kung saan mainit ang tunggalian sa pulitika at mga lugar kung saan maaaring magkaroon ng karahasan na may kaugnayan sa nalalapit na halalan.