-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Tumaas pa sa mahigit isang libo ang bilang ng mga pamilyang lumikas dahil sa takot na maipit sa gulo sa pagitan ng militar at BIFF-ISIS inspired group sa boundary ng Pikit, North Cotabato at Maguindanao.

Ayon kay Pikit Municipal Disaster Risk and Reduction officer Tahira Kalantungan, ang mga pamilya ay mula pa sa iba’t ibang lugar ng bayan kung saan ang mga dependents ay tinatayang nasa mahigit 4,000 katao.

Sa ngayon, pansamantalang namalagi ang mga bakwit sa mga paaralan at mosque na problema din anya ang pagbaha tuwing malakas ang pag-ulan.

Bukod sa mga pamilyang taga Pikit, North Cotabato ay may mga pamilya ring lumikas na mula sa Maguindanao.

Dagdag pa ni Kalantungan, nagpaabot na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga pamilya na apektado ng nasabing operasyon at nanawagan naman ito sa mga gusto pang magpaabot ng tulong ay mariing makipag-ugnayan sa kanilang opisina.