-- Advertisements --
image 705

Mahigit 1,900 na ang bilang ng mga rice retailers sa buong Metro Manila na nakatanggap ng tulong pinansyal dahil sa naging epekto ng pagpapatupad sa price cap sa bigas.

Ito ay batay sa talaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-NCR), kasama ang mga 17 Local Government Units sa Metro Manila.

Sa datus ng DWD-NCR, nakatanggap ng P15,000 cash assistance Program ang mga rice retailers na unang tinukoy ng Department of Trade and Industry (DTI) na kwalipikado.

Umabot naman sa P30million ang nagamit na pondo para sa mga naturang retailers.

Ayon sa DWSD-NCR, unang batch pa lamang ito at asahang lalo pang tataas ang bilang ng mga mabibigyan ng cash assistance.

Tiniyak din ng ahensiya, na maliban sa mg rice retailers ay makakatanggap din ang mga sari-sari store owners ng kahalintulad na tulong, partikular na ang mga nagbebenta ng bigas na naapektuhan sa price cap sa regular at well milled rice.

Setyembre-5 nang unang ipatupad ang Price cap sa dalawang nabanggit na klase ng bigas. Ilang araw matapos nito, agad ding nagkasa ang pamahalaan ng pamamahagi ng tulong sa mga apektadong retailers.