Tumaas ang bilang ng mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough shoal sa kanila pa ng pagpapatupad ng China ng polisiya nito na pag-aresto at pagkulong sa mga dayuhang papasok sa inaangkin nitong karagatan ng hanggang 60 araw nang walang paglilitis.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the WPS Comm. Jay Tarriela na simula nang mamataan ng mga mangingisdang Pilipino ang presensiya ng 2 idineploy na barko ng PCG na BRP Sindangan at BRP Malapascua noong Hunyo 14 para magpatrolya sa lugar, dumami pa ng bilang ng Filipino fishing boats.
Base pa sa ahensiya, mula sa namataang 3 filipino fishing boats noong Hunyo 15 sa Bajo de Masinloc, tumaas ito sa 7 at nasa 10 na sa kasalukuyan.
Ayon naman sa grupo ng mangingisda na Tropical Fish Gatherer Association sa Masinloc Zambales, may ilang mangingisda na ang umiiwas na mamalaot sa ilang lugar sa WPS partikular na sa Scarborough shoal dahil sa takot sa banta ng China.
Kaya’t umapela ang mga ito sa gobyerno na magbigay ng seguridad sa mga mangingisdang Pilipino na nais na bumalik na mangisda sa shoal at binigyang diin na ayaw nilang maagaw ng China ang naturang maritime feature ng ating bansa.
Samantala, tiniyak naman ni Comm. Tarriela na committed ang PCG sa paggampan ng tungkulin nito sa bayan para matiyak ang kaligtasan ng mga mangingisdang pilipino sa WPS.