-- Advertisements --

Iniulat ng Commission on Population and Development (PopCom) na bumaba ng 23,855 ang bilang ng mga kabataan na nanganak noong 2020.

Noong 2019, umabot sa 180,915 ang mga ipinanganak ng mga ina na wala pang 19 taong gulang at bumaba sa 157,060 noong nakaraang taon.

Ang isang malaking bahagi ng pagbaba ay nasa 15 hanggang 19 na age bracket, kung saan ang 23,557 mga ina ay bumubuo ng 98.7 porsyento ng pagbaba.

Ang daily birth rate ng 15-19 na grupo ay nasa 425, mas mababa kaysa sa 2019 na 489.

Ang adolescent birth rates ay nasa 31 bawat 1,000 batang babae noong 2020, na mas mababa kaysa sa 47 bawat 1,000 sa 2017 National Demographic Health Survey (NDHS) base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Magugunitang target ng Philippine Development Plan ang rate na 37 bawat 1,000, habang ang PopCom ay nagta-target ng 50-porsiyento na pagbawas mula sa baseline na 57 porsiyento sa 2013 NDHS hanggang 28 porsiyento sa 2022.

Tinawag ngayon ng PopCom na good news ang nasabing development.