-- Advertisements --

Dumami ang bilang ng mga trucks na may kargang mga pagkain at gamot ang nakapasok sa northern Gaza.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagbabanta ng US na kanilang puputulin ang mga military supporta kapag hindi paigitingin ng Israel ang tulong sa mga naapektuhan ng giyera sa Gaza.

Pinulong na rin ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang kaniyang gabinete para sa pagpapalakas ng tulong sa mga nasa Gaza.

Tiniyak naman ng Israel na hindi na nila gagambalain pa ang anumang tulong na naipapasok sa Gaza.