-- Advertisements --

Umakyat na sa 183,000 na indibidwal ang mga validated na apektado ng nagdaang bagyong Kabayan.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ito ay katumbas ng humigit-kumulang 53,000 na pamilya.

Sa kasalukuyan, nananatili sa mga evacuation center ang nasa 17,510 na bilang ng mga pamilya o katumbas ng 54,000 na indibidwal. Kabuuang 400 na evacuation center naman ang nananatiling bukas.

Batay sa datos ng ahensiya, mayroon nang 335 na naitalang partially damaged na kabahayan habang 19 naman ang totally damaged dahil sa mga epekto ng pagbahag, landslide, at malalakas na ulan.

Mayroon namang nakahandang P2,661,693,242 na pondong nakahandang gamitin para sa mga biktima.

Mahigit P170 milyon dito ay standby funds habang P2.49 billion ay mga food at non-food items.