NAGA CITY- Mas lumobo pa ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng nanalasang buhawi kahapon sa dalawang bayan ng Camarines Sur.
Sa ipinaabot na impormasyon ng Bombo Radyo Naga ni Rowel Tormes, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Head ng Libmanan, sinabi nitong mula sa dating 16 na apektadong mga bahay, pumalo na ito ngayon sa 25 na kinabibilangan ng 28 pamilya na mula sa mga Barangay ng Malansad Viejo at Mambulo Viejo.
Sa kabila nito, labis naman ang pasalamat ni Tormes na walang naitalang casualty sa naturang insidente.
Samantala, sa bayan ng Canaman naman, kinumpirma ni Alvin Dela Rosa, Officer 1 ng MDRRMO-CAnaman, na nasa 54 pamilya rin ang apektado ng buhawi mula sa Barangay palo.
Karamihan naman sa mga nawalan ng bahay ang pansamantala munang nanatili sa mga evacuation centers.
Sa ngayon, tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng naturang mga bayan ang tulong para sa naturang mga apektadong pamilya.