-- Advertisements --
image 682

Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga gun ban violators na naaaresto ng Pambansang Pulisya mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.

Ito ang iniulat ni PNP-PIO chief PCol Jean Fajardokasabay ng kumpirmasyon na umakyat na sa 926 ang bilang ng mga indibidwal na naaaresto ng kapulisan nang dahil paglabag sa nasabing kautusan sa gitna ng papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Mula sa naturang bilang ng mga naaaresto ay nasa 890 sa mga ito ang pawang mga sibilyan, habang 22 naman ang mga security guard, apat ang pulis, apat din ang miyembro ng kasundaluhan, habang tatlo naman ang kabilang sa iba pang mga law enforcement agencies, at dalawa naman ang kapwa elected government office.

Ang naturang mga indibidwal ay naaresto ng mga otoridad mula sa mga itinatag na Comelec checkpoint at police operations.

Samantala, kaugnay nito ay aabot naman sa 572 na mga armas ang nasamsam ng mga otorida.

Habang nasa 1,120 na mga armas naman ang ini-turn over sa mga police station para sa safe keeping, at 880 naman na mga baril ang isinuko sa pulisya.