-- Advertisements --
Nahigitan ng Commisison on Elections (COMELEC) ang kanilang target sa mga bagong nagparehistro para sa 2025 national at local elections.
Ayon sa datos ng COMELEC na mayroong kabuuang 4,565,405 ang naitalang bagong botante.
Ang nasabing bilang ay nahigitan ang itinakda nilang target na aabot sa 3 milyon botante.
Nanguna ang Calabarzon sa may pinakamaraming bagong nagparehistro na may mahigit 700-K na sinundan ng National Capital Region na mayroong mahigit 600-K at Central Luzon na mayroong mahigit kalahating milyon.
Sa nasabing bilang ay mas marami sa mga dito ang mga kababaihan kumpara sa kalalakihan.
Magugunitang nagsimula ang pagpaparehistro ng botante noong Pebrero ha magtatapos ng hanggang Setyembre 30, 2024.