Tumaas ang bilang ng mga bagong botante sa 1.1 milyon eksaktong siyam na araw bago matapos ang voter registration para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon kay Commission on Elections (COMELEC) chairman George Garcia.
Ayon kay Garcia, mula nang magsimula ang voter’s registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong Disyembre 12, 2022, ang poll body ay nakapagtala ng hindi bababa sa 1,100,000 bagong botante.
Sa bilang na ito, humigit-kumulang 7,000 voter registration applications ang naproseso sa ilalim ng Comelec’s Register Anywhere Project (RAP), na nagpapahintulot sa mga kwalipikadong Filipino na botante na magparehistro sa mga booth sa ilang mga establisyimento tulad ng mga malls.
Ang pagpaparehistro ng botante ay magtatapos sa Enero 31, habang ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay tatakbo hanggang Enero 25, 2023.
Sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) chairman George Garcia, kabilang sa layunin ng pagsasagawa ng pilot test ng nasabing proyekto sa mga piling malls ay ang magtatag din ng mga espesyal na polling precinct para sa mga Filipino seafarer.
Aniya, marami sa kanila ang naglipat ng kanilang rehistrasyon sa ibang bansa sa pag-aakalang makakaalis sila ng bansa bago ang halalan.
Gayunpaman, dumating na ang halalan ngunit hindi pa sila nakakaalis, kaya hindi sila makaboto at dapat umanong makaboto pa rin sila kahit naghihintay na mag-abroad.
Liban nito, ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ay dapat na gaganapin noong Disyembre 2022 ngunit inilipat sa Oktubre 2023.