-- Advertisements --

Pumalo na sa 30,552 ang bilang ng mga naitalang bagong kaso COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw, Enero 22.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), tumulak na sa 280,619 o may katumbas na 8.3% ang kabuuang bilang ng mga bagong kaso ng nasabing virus sa bansa.

Nasa 8,591 dito ay pawang mga asymptomatic, habang 267,236 naman ang mga nakakaranas ng mild na sintomas, 2,996 ang moderate, 1,491 ang severe, at nasa 305 naman ang bilang ng mga naiulat na kritikal ang kondisyon.

Ayon pa sa datos, nasa 68,049 na mga indibidwal ang sumailalim sa COVID-19 testing at 45.1% dito ang naiulat na nagpositibo sa naturang sakit.

Sa ngayon ay nasa kabuuang 3,387,524 ang bilang ng mga kasong naitatala sa Pilipinas kung saan 3,053,499 o 90.1% nito ang mga naiulat na mga nakarekober na habang nasa 53,406 naman o nasa 1.58% ang bilang ng mga nasawi.

Samantala, patuloy pa rin naman na pinaalalahanan ng DOH ang publiko na hwuag maging kampante sa banta na hatid ng COVID-19 at bagkus ay dapat na ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa mga ipinatutupad na minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng facemask, maayos na physical distancing, at parating paghuhugas ng kamay.