Dumarami ngayon ang bilang ng mga bansa sa buong mundo ang nagpatupad ng paghihigpit matapos idineklara ng World Health Organization (WHO) na “variant of concern” ang isang bagong variant ng coronavirus at pinangalanan itong Omicron.
Ilang bansa sa buong mundo ang nagpasya na ngayon na ipagbawal o paghigpitan pa ang paglalakbay papunta at mula sa southern Africa.
Ang mga travelers mula sa South Africa, Namibia, Zimbabwe, Botswana, Lesotho at Eswatini ay hindi na makakapasok sa United Kingdom maliban kung sila ay mga UK o Irish national, o mga residente ng UK.
Sinabi naman ng mga opisyal ng US na ang mga flight mula sa South Africa, Botswana, Zimbabwe, Namibia, Lesotho, Eswatini, Mozambique at Malawi ay haharangan mula sa araw ng Lunes.
Nagdeklara na rin ng paghihigpit sa mga travelers ang Pilipinas, Brazil, Australia, Japan, India, Iran, Canada, Singapore, Malaysia, Israel, Turkey, Egypt, Dubai, Saudi Arabia, Bahrain, Austria, France, Italy, the Netherlands, Malta at Jordan.
Nauna nang nagbabala ang WHO laban sa mga bansang nagmamadaling nagpapataw ng mga travel restrictions.
Iginiit nang kagawaran na dapat tingnan at nakabase sila sa “risk-based and scientific approach”.
Ang reaksyon ng ilan sa mga bansa sa mga tuntunin ng pagpapataw ng mga pagbabawal sa paglalakbay, at mga naturang hakbang ay ganap na labag sa mga pamantayan ng World Health Organization.
Ang Omicron ay unang namataan sa South Africa kung saan nasa 24 percent lamang ng populasyon ng bansa ang fully vaccinated.
Napag-alaman na maraming mga scientists ang nababahala sa Omicron dahil ang variant ay may large numbers ng mutations at ito ay mas nakakahawa raw kumpara sa Delta variant.