Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga bansang kumukuha ng mga manggagawang Pinoy.
Sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na halos taon-taon ay nadadagdagan ang mga bansa na nais na magkaroon ng bilateral labor agreements sa bansa.
Ilan sa mga dito ay mula sa Europa at ilang bahagi ng Asya dahil sa nakita nila ang kakaibang sipag ng mga Pilipino.
Nitong araw lamang ng kalayaan ay mayroong mahigit 7,000 mga trabaho ang inalok sa mga Filipino.
Ang mga bansa na naghahanap ng mga manggagawa na galing sa Pilipina ay kinabibilangan ng Australia, Bahrain, Brunei, Cambodia, China, Croatia, Germany, Hungary, Japan, Jordan, Saudi Arabia, New Zealand, Qatar Slovakia, Thailand, United Arab Emirates, United States, at Vanuatu.