Tumaas pa ang bilang ng mga barangay na apektado ng African Swine Fever sa 458.
Katumbas ito ng pagtaas na 82% kumpara sa nakalipas na tally ng Bureau of Animal Industry sa unang bahagi ng buwang ito.
Batay sa datos ng BAI, ang naturang kaso ay naitala sa mga barangay sa 32 na probinsya mula sa halos lahat ng rehiyon sa Pilipinas.
Mas mataas ito kumpara sa naitalang 251 barangays mula sa 22 provinces noong unang linggo ng buwan ng Agosto.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary for Poultry and Swine Dante Palabrica, inaasahan pa nila ang pagtaas ng nasabing numero dahil panahon na ng tag-ulan.
Isa rin sa mga itinuturong dahilan ni Palabrica sa pagtaas ng kaso ng ASF ay ang mga unscrupulous traders na nagbibiyahe ng baboy na maaaring apektado ng sakit.
Kung maaalala, isa sa dalawang truck ng baboy na patungo sa Metro Manila na hinarang ng mga tauhan ng BAI ay nag positibo sa ASF.