Iniulat ng Philippine Navy na nadagdagan pa ang bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng pagsisimula ng taunang joint Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Batay sa Pinakahuling datos na inilabas ng Philippine Navy nasa kabuuang 124 na mga barko ng China na binubuo ng mga barko ng China Coast Guard at People’s Liberation Army-Navy, at Chinese Maritime Militia ang kanilang na-monitor mula Abril 16 hanggang Abril 22, 2024.
Ayon sa navy ang bilang na ito ay hindi hamak na mas mataas sa 79 na mga barko ng China na una nang naitala ng mga otoridad mula noong Abril 9 hanggang Abril 15, 2024.
Kung maaalala, una nang sinabi ni Balikatan Exercises director for the Philippines Mgen. Marvin Licudine na inaasahan na nila ang magiging presensya ng China sa kasagsagan ng pagsasagawa ng Balikatan Exercises 2024 ngunit wala aniya itong magiging problema hanggang nananatiling sumusunod sa international law ang nasabing bansa.