-- Advertisements --
Bumaba ang bilang ng barko ng China sa West Philippine Sea dahil sa masamang lagay ng panahon.
Ipinaliwanag ito ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ngayong araw.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad, ito lamang ang dahilan ngunit hindi nila inaalis ang posibilidad na magsibalikan ito.
Batay sa datos , aabot sa 50 barko ng China ang umalis sa naturang bahagi ng pinag-aagawang karagatan.
Ang naturang datos ay mula sa isang linggong monitoring.
Sa kabila nito ay nakapalibot pa rin ang mga barko ng China sa Sabina o Escoda Shoal.
Tiniyak naman ng opisyal na patuloy ang kanilang ginagawang hakbang upang maprotektahan ang soberanya ng bansa.