-- Advertisements --

Umabot na sa 17 ang kaso ng firework-related injuries na naitala ng Department of Health (DOH) mula Disyembre 22 hanggang 23 bago pa man ang selebrasyon ng Pasko ngayong taon.

Sa isang statement, iniulat ng ahensiya na naitala ang naturang mga kaso mula sa 62 sentinel hospitals na binabantayan ng Department of Health (DOH).

Sa naturang mga kaso, karamihan o nasa 16 dito ay mga kalalakihan na nasa 19 na taong gulang pababa habang ang isang babaeng biktima ay 20 anyos pataas.

Nasa 15 o 88% na kaso ay dulot ng ilegal na paputok na karaniwan ay boga.

Mas mataas naman ang mga nabiktima ng paputok sa nabanggit na period ng 113% kumpara sa 6 na kasong naitala sa parehong panahon noong 2023.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang DOH sa publiko na iwasan ng paggamit ng anumang uri ng paputok at sa halip ay gumamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay tulad ng tambol, torotot, at iba pa.

Gayundin, pagbawalan ang mga bata sa pagpapaputok. Maaari namang tawagan ang National Emergency hotline sa numerong 911 at 1555 para sa DOH hotline sakaling mangailangan ng tulong.