-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Umakyat pa sa 74 ang bilang ng mga biktima ng paputok sa buong Soccsksargen Region.
Ito ay base sa datos na inilabas ng Department of Health Center for Health Development Region 12.

Ayon sa ulat, ang naturang bilang ay mas mataas ng 111% kaysa sa naitala noong nakaraang taon 2022 na may 35 na kaso lamang ang naitala.

Karamihan sa mga biktima ay nagmula sa lalawigan ng South Cotabato na umaabot sa 49 porsyento habang 23 porsyento naman mula sa Cotabato Province.

Sa 74 na firecracker related injuries, nasa 64 o 86 porsiyento ng biktima ay mga lalaki.

Mayroon ding 5 years old hanggang 68 years old na naging biktima ng paputok.

Tatlong porsyento naman ng mga biktima ang kinailangang putulin ang daliri.

Ayon kay Kathleen Gecosala, Focal person ng DOH 12 na hanggang bukas pa, Enero 6 ang kanilang reporting period sa firecracker related injuries kayat patuloy ang panawagan na iwasan ang magpaputok.