Lalo pang lumubo ang bilang ng mga nakapag rehistrong botante sa Pilipinas, batay sa datos ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec chairman George Garcia, umaabot na sa 65,943,899 ang mga nakapag rehistro sa buong bansa.
Inaasahan pang magkakaroon ng hanggang limang milyong botante para magparehistro.
Sa kasalukuyan, halos dalawang milyon nang mas mataas ang bilang ng mga bagong nagrehistro kumpara sa target registration ng komisyon.
Umabot na kasi aniya sa mahigit 5 million ang bilang ng mga bagong registrants na binubuo ng 2,590,813 female at 2,421,002 male.
Nananatili pa ring may pinakamaraming bilang ng mga bagong botante ang Calabarzon na nakapag rehistro ng 833,812, sunod ang National Capital Region (Metro Manila) na mayroong 669,372.
Magtatagal naman ang registration hanggang Setyembre-30, 2024.