-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga bumili ng sasakyan nitong buwan ng Pebrero sa kasalukuyang taon.

Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) na mayroong 27.2 percent ang pagtaas mula sa dating 24,304 untis ang naibenta noong Pebrero 2022 ay naging 30,905 units ang naibenta nitong Pebrero.

Mas mataas din ito ng 4.8 percent noong Enero ngayong taon na katumbas ng 29,494.

Paliwanag ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) na patuloy ang pag-unlad ng industriya ng sasakyan sa bansa.

Tiwala din ang grupo nila na malalampasan nila ng hanggan 10 percent ang target na mabebentang sasakyan ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.