-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inahayag ni Col. Francel Margareth Padilla, ang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na bumaba ang bilang ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea simula nang magsimula ang Balikatan Exercises sa bansa.

Aniya, may naitalang kabuuang 110 Chinese vessels noong Abril 29 ngunit noong Mayo 6 ay 88 Maritime Chinese vessels lamang ang naobserbahan ng Armed Forces of the Philippines.

Sabi ni Padilla na ang 88 sasakyang pandagat ay namataan sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Pag-asa Island, Kota Island, Lawak Island, Panata Island at Patag Island.

Paliwanag niya na hindi sila sigurado kung magkakaroon ng epekto ang Balikatan Exercises 2024 sa pagbaba ng bilang ng mga Chinese vessel sa West Philippine Sea.

Samantala, naisagawa ngayong araw ang maritime strike sa pangunguna ng Armed Forces of the Philippines at United States Armed Forces sa sinking exercises na gagamitin sa BRP Caliraya AF-81 na gawa sa China.

Binanggit niya na may barko na ilalagay sa layong 8.5 nautical miles mula sa Brgy. Lapaz Sand Dunes o katumbas ng 15,000 kilometers.

Gayunman, ipinaliwanag niya na kahit ito ay tinatawag lamang na sinking exercise ay nais nilang hindi lumubog ang barko.