-- Advertisements --
Tiwala ang Philippine Ports Authority (PPA) na aabot sa halos 104,000 ang mga cruise passenger ngayong taon.
Ayon kay PPA general manager Jay Santiago na noong nakaraang taon ay mayroong 91 na cruise ships ang dumating sa bansa at nagdala ng halos 90,000 pasahero.
Kaniya ding inanunsiyo na mula Enero hanggang Mayo ay mayroon ng 65 na cruise ship at halos 60,000 na mga pasahero ang bumisita sa bansa.
Karamihang mga cruise passengers ay mga Europeans at mula Hong Kong.
May ilang mga cruise ship port ang malapit ng matapos gaya sa bayan ng Dapa, Surigao del Norte ganun din sa Camiguin, Boracay, Coron sa Palawan at sa Puerto Galera.
Tiniyak nito na kaniyang aayusin ang lahat ng mga serbisyo sa cruise ports para maiwasan ang anumang aberya.