Bumaba ang bilang ng mga cybercrimes na naitatala ng Philippine National Police (PNP) sa unang kalahating bahagi ng 2024.
Batay sa datus na hawak ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG), umabot lamang sa 8,177 na reklamo ang naitala sa unang kalahating bahagi ng 2024 habang umabot sa 12,808 ang naitala sa unang kalahating bahagi ng 2023.
Ito ay katumbas ng mahigit 36% na pagbaba ng mga cyber crimes.
Naging mas mababa umano ang iba’t-ibang mga insidente na iniulat ng publiko sa himpilan ng pulisya, katulad ng online selling, investment, at debit/credit card fraud.
Patunay ito, ayon sa ACG, na naging epektibo ang cybersecurity measures na ipinapatupad ng pamahalaan.
Naniniwala rin ang PNP-ACG na naging epektibo ang mga cybercrime awareness campaign na isinasagawa nito upang mai-angat ang kaalaman ng publiko laban sa online scam.